Five Puppy Training Tips
1.) Chewing Problems - The most effective solution to a puppy chewing on something he shouldn’t is to not discipline him, but to simply replace the object that he is chewing with a chew toy and then to raise him greatly for chewing on his chew toy. Positive encouragement is what a puppy will respond to the most.
2.) House Training - The easiest way to house train your puppy is to always take him out immediately after his meal. Wait for him to go. Once he goes, praise him greatly. He’ll soon get the idea that going outside is the correct thing to do.
3.) Playtime - When you are thinking about getting a puppy, make sure you have the appropriate time to give to your dog. Estimated necessary time is about 10-30 minutes for eating (3 times a day), 10-30 minutes for a walk (3 times a day) and about an hour of playtime with your dog. Most people don’t realize the amount of time that a healthy puppy will require.
4.) Dog Crates - Dog Crates can have a positive impact on both the dog and the owner. It’ll give the dog a safe and secure area that is very close the “den” like atmosphere that dogs had in the wild. Once a dog is comfortable with a crate, it’ll allow the owner to safely transport the dog and help to house train a puppy (they won’t want to do business in their den).
5.) Hide The Chocolate - When getting ready for halloween, make sure you keep the candy out of reach of the dog, especially chocolate. Chocolate is very dangerous to a dog. It can make the dog very very sick. If you suspect that your dog has eaten chocolate, you should your veterinarian IMMEDIATELY.
Si Ate anna(one of the stories i wrote)
Maganda, mabait, matino, matalino na may-kaya… yan palagi ang aking mga naririnig na papuri galing sa mga tao sa aming bayan tungkol sa aking nakakatandang kapatid na babae. Si ate Anna ay isang kolehiyalang sikat sa aming lugar. Napakadami ngang naiinggit sa akin dahil sya ay aking kapatid. Marami ang may gustong ligawan ang aking kapatid kaso wala pa syang balak na magkaroon ng nobyo. Sa bagay, anu nga ba naman ang hindi mo magugustohan sa kanya? Mahabang itim na buhok, maputi, itim na mata at pulang labi… marami na ngang lalaki na inuutusan akung ilakad sila kay ate, syempre pumapayag ako… kaso walang nangyayari, tumatawa lang sya tuwing ako’y nagsasalita, kaya sabi ko sa kanila sila na lang ang lumapit. Tuwing hapon nga sa bahay kay dami ng tao, parang palagi ay may handaan… para ngang prinsesa kung tratuhin si ate Anna sa aming bayan!
Hindi nagtagal may napusuan narin si ate… paano ko nalaman yon? Simple lang, sinabi nya sakin, pero hindi nya sinabi kung sino, basta sabi nya sa akin meron syang natitipuhan sa mga nanliligaw sa kanya. Inisip ko naman napakaswerte naman ng lalake na yon! Sino kaya yun?! Masyado siguro syang espesyal at nagustuhan sya ng aking kapatid. Buong maghapon kong inisip kung sino ang lalaki na yun. Maraming beses din akong nagtanong kay ate pero sabi nya maghintay lang ako at sasabihin din nya. Hindi talaga ako mapakali… iniisip ko ay si kuya Ryan yun… kasi si kuya Ryan ay isa ring maipagmamalaki na lalaki. Isa syang matipuno, gwapo, may-kaya, masipag at matalino. Matagal na rin nyang kaibigan si ate Anna, bata palang silang dalawa ay kilalang kilala na nila ang bawat isa. Oo nga pala! Hindi nanliligaw si kuya Ryan kay ate Anna nahihiya pala kasi sya. Hinihiling ko talaga na si kuya Ryan na lang yun…
Kinabukasan sinabi narin ng aking kapatid kung sino yung lalake na yon… nagulat nga ako eh, si kuya Michael!? Ang balitang rakista sa aming lugar, balita rin ito sa pagiging drug addict, chikboy at sugarol. Naaawa ako sa aking kapatid, bakit pa sya? Walang mangyayari sa kinabukasan ng aking kapatid.
Mga pagkalipas ng tatlong araw… sinabi sa akin ni ate Anna niyaya daw sya ni kuya Michael na lumabas para mamasyal bukas ng umaga… sabik na sabik nga si ate Anna eh… lagi syang nakangiti, pero nung nagpaalam na sya kay mama’t papa hindi sila pumayag. Sabi nila “ Anna, hindi ka pwedeng lumabas ng mag-isa kasama si Michael… kilala mu naman sya hindi ba? Balita syang isang basagulero… Anna, huwag muna ngayon. Saka nalang baka kung ano ang mangyari sayo…tsaka natatakot kami na baka madisgrasya kayo… saka na lang talaga hah?” sabay akyat ng kwarto sina mama’t papa. Si ate naman nag”OPO” at umakyat rin agad ng kanyang kwarto. Pero nagulat ako… nung pag-akyat ko sa kwarto nakita ko si ate Anna nasa labas ng bahay hawak hawak ang kanyang bag papunta sa van… nasilip ko na sa loob ng van nandoon si kuya Michael at kanyang iba pang barkada. Gusto ko sanang sumigaw pero magsasalita palang ako wala na sila. Pumunta ako agad sa kwarto nila mama’t papa at sinabi ko sa kanila ang nangyari. Nagulat sina mama’t papa. “ ano?! Bakit?! Sigurado ka ba?! Baka hindi naman sya ang nakita mo? Baka naman kapitbahay lang natin yon. Tsaka kung aalis ang ate mo magpapapaalam un! Kilala mo naman ang kapatid mo diba? Isa siyang masunuring bata! Sino ba ang kasama nya?! Huh?! “ sunud – sunod na tanong ni papa sa akin. “ hindi ko po alam… nagulat nga rin po ako e, nakita ko po si kuya Michael at ang kanyang barkada sa loob ng van. Tumatakbo nga po si ate Anna, sya po talga un sigurado po ako.” Tugon ko. Biglang umiyak si mama. Napaupo si papa at sabay yuko. Lumabas ako sa kanilang kwarto, deretso sa aking silid.
Naisip ko… bakit nagkaganon na si ate Anna? Bakit nya sinuway si papa’t mama? Bakit nagkunwari syang susunod sya? Akala ko ba isang masunuring bata ang aking kapatid? Akala ko ba mahal ni ate Anna si papa’t mama? Sya pa nga palagi ang nagsasabi sa akin na dapat sinusunod ko palagi sina mama’t papa. Naiinis ako kay kuya Michael pati na rin kay ate Anna.
Pagbaba ko ng aking kwarto papunta sa salas, napansin ko… parang disyerto ang aming tahanan pag wala si ate Anna… parang nawala ang mga ngiti ng mga tao sa aming bahay, ang aming mga magulang ay nakakulong lang sa kanilang kwarto… ang aming yaya na habang nagtratrabaho ay kumakanta kanina biglang nawala ang mga himig nya… wala na ang mga matatamis na mga ngiti nila. Sinubukan kong maging masaya… Binuksan ko ang T.V kaso parang halos lahat ng panood ay malulungkot. Ang aso kong si Brite ay hindi naman na naglalaro at tumatahol tahol. Ang aming alagang parrot na palaging nagsasalita ay biglang natahimik. Parang tila lahat ng bagay sa aming bahay ay nawalan ng buhay. Namimiss ko na talaga si ate Anna. Kaaalis palang ni ate Anna, paano na lang kaya kapag tumagal pa ito?
Kinabukasan… naibalita nasa aming bayan ang pagkaalis ni ate Anna, pag – gising ko nasa bahay na si kuya Ryan at ang mga kaibigan nito. Tutulong daw sila sa paghahanap kay ate Anna. Dumating din ang mga manliligaw ni ate Anna, halos napuno ang buong salas ng nagsidatingan ang mga tao. Nagusap-usap sila. Halos inabot sila ng tatlong oras para malaman kung sinu-sino ang maghahanap sa bawat barangay. Nang matapos ang pulong silang lahat ay pumunta sa kani-kanilang destinasyon. Halos dalawang araw ang inabot nila para mag hanap sa buong bayan. Pero wala pa rin si ate Anna, napakarami ng nagluksa. Sabi naman nila na wag kaming mawalan ng pag-asa ,hintayin na lang namin si ate Anna.
Nakalipas na ang apat na linggo wala parin si ate Anna… walong linggo na ang dumaan wala pa rin si ate Anna… nang kinaumagahan na ng pang ika-sampung linggo ay may kumatok sa bahay… tumakbo ako agad para buksan ang pintuan, inunahan ko pa nga si nanay Linda ang aming yaya na buksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto… nagulat ako! Isang malapit ng makalbo, payat, parang isang drug addict ang aking nakita! Sino kaya to? Ba’t sya nandito? Sinubukan ko syang kausapin pero inisnab lang nya ako… ni hindi nga sya nakangiti, hinihithit nya pa ang kanyang sigarilyo. Nang hindi ko na sya talaga makausap, pinahintay ko muna sa labas ng pintuan ang babaeng ito at tinawag ko sina mama’t papa… nagulat ako sa aking mga nakita… halos umiyak si mama sa tuwa, hinagkan nila ang babae na parang di na nila ulit ito makikita. Pinapasok nila ang babae at pinaupo… bakit kaya?! Kilala nila sya?! Wow… pumunta sila sa salas para magusap. Pumunta ako don para sumali sa usapan… natitigan ko ang babae! Parang kilala ko sya… parang kilalang kilala ko sya! Pero bago pa ako makapagsalita pinapunta ako sa aking kwarto.
Pagkalipas naman ng halos dalawang oras may kumatok sa aking silid, dali – dali kong binuksan ang pintuan. Nagulat ako! Ang babae! Nasa harapan ko, duon ko na sya nakilala… ang matagal nang nawawala na babae… ang hinanap ng sampung linggo ng aming mga kababayan… ang kapatid ko… ang nagiisang kapatid ko, ang hinintay kong bumalik ng sobrang tagal… nagbalik na sya pero bakit halos di ko na sya makilala? si ate Anna nagbalik na pero iba na sya ngayun ang babaeng matino noon ngayun naman ay drug addict. Niyakap ko sya, hinalikan ko ang pisngi nya, niyakap ko sya na parang hindi na kami ulit magkikita. Namiss ko si ate Anna, namiss ko ang nagiisang kapatid ko, namiss ko sya. Wala akong paki alam sa itsura nya. Napangiti sya sa akin. Sabi nya kamusta na raw ako, nagsorry sya sabi nya magbabago na sya… magiging tulad na sya ng dati… wala na raw sila ni kuya Michael… nakita nya raw kase itong kasama ng ibang babae… naiinis sya dahil hindi sya nakinig sa amin noon… umiiyak si ate Anna, naaawa ako sa kanya… niyakap ko syang muli at sinabi ko na kahit wala na si kuya Michael sa kanya nandito kaming pamilya nya para suportahan sya at para mahalin sya. Nagtataka ako… ano kaya ang sinabi ng aming mga magulang sa kanya? Bat ang bilis nilang napabago si ate Anna? Ano kaya yun?
Biglang nagsidatingan ang mga tao… nauna si kuya Ryan, nasa ibaba sya ng hagdanan para salubungin si ate Anna, nagulat kami, bigla nyang niyakap si ate Anna! Halos pati si ate Anna ay nagulat… “ sorry ” banggit ni kuya Ryan… pero niyakap din sya ni ate Anna… natulala ang mga tao… biglang umiyak si ate Anna sa mga balikat ni kuya Ryan. Tumakbo kaming lahat para yakapin ulit si ate Anna. Napakadaming beses na nasabi ni ate Anna ang sorry.
Pagkatapos kong yakapin muli ang aking kapatid.. umalis ako sa salas dahil napakaraming tao. Pumunta ako sa kusina para maupo. Pati sina Nanay Linda, Kuya Raul at ate Luisa at pumunta na rin sa salas para kausapin si ate Anna. Pansin ko… ibang iba na ulit ang bahay ngayon, masaya na ang lahat. Sumilip ako sa salas, nakita kong nakaupo si ate Anna katabi si kuya Ryan habang nakikipagusap sa mga tao. Si Brite ay paikot ikot sa salas na parang naglalaro at tahol ng tahol… ngayon ko lang sya ulit nakita ng ganito pagkalipas ng mahabang panahon. Si Pia ang aming parrot ay salita ng salita. Napakaingay ng bahay! Napakasaya ng lahat.
Kinabukasan, may handaan sa bahay para sa pagdating ni ate Anna. Napakarami paring mga tao sa bahay… sina Aling Rosie at Aling Pinang ay tumutulong sa kusina, si tatang Raul at kuya Alex ay lumabas para bumili ng mga pagkain kasama si Mama. Si papa ay kausap sina ate Anna at kuya Ryan. Pumunta ako sa kusina para tumulong.
Nandon si ate Luisa kumakanta habang naghihiwa ng bawang at luya, si aling Rosie naman at nanay Linda ay humahalakhak habang naguusap na nagluluto. Si aling Pinang ay naghahalo ng mga prutas para sa fruit salad. Ang ganda nila panoorin! kinalabit ko si nanay linda at tinanong ko kung ano ang pwede kong gawin. Sabi nya ay tumulong ako kay aling pinang sa paghahalo ng fruit salad.
Nang handaan na… napakaraming tao sa bahay! Pati si mayor ay nandoon kasama ang kanyang pamilya. Nakita ko sina Freddie na naglalaro habang kumakain. Pinapanood ko silang lahat. May kumalabit sa aking likod, si d-Darwin… bestfren ko niyaya nya akong kumain sa duyan. Pagdating namin doon nagusap kami tungkol sa mga tao sa handaan. Tumatawa kami habang naguusap.
Pagkalipas ng halos dalawang taon, graduate na si ate Anna ng kolehiyo, ako naman second year college na sa isang private school, bumalik na sa akin ang totoong ate Anna ko… matino na ulit sya ngayon. May trabaho na si ate,
naipromote syang manager ng isang kompanya. Ikakasal na sila ni kuya Ryan sa susunod na buwan. Ako naman nakatanggap ng scholarship sa ibang bansa, kasama si Darwin, dalawa kami ni Darwin ang napili para sa scholarship. Duon na lang namin ipagpapatuloy ang aming pagaaral. Titira kami sa Mama ni kuya Ryan na ngaun ay tita ko na. Maraming tao ang nagsasabi na katulad ko rin daw ang aking kapatid na matalino, matino, maganda at mabait na babae, pero siguro hindi ko pagdadaanan ang mga pinagdaanan ng aking kapatid noon. Hindi ko talaga makalimutan ang sinabi sa akin ng aking kapatid. “ Walang perpekto at walang kumpleto. Maaari nating makamit ang isang bagay kung magsasakripisyo tayo para dito, para bang maaari kang magbago kung kakayanin mo ito, pero kung palagi kang nagrereklamo hindi ako nagtataka kung bakit walang nangyayari sayo. Tsaka bawat buhay may pagsubok hindi puro nalang pasitibo ang nangyayari sa atin. Kaya nga tayo may pagsubok para mas lalo tayong lumakas, para mas madagdagan ang ating karanasan, para matuto tayo sa ating mga pagkakamali , para malaman natin kung ano ang uulitin natin at kung ano ang dapat nating iwasan na gawin.” Oo tama kayo isa lang akong tulad ninyo… isang tao, isang simpleng tao. Si ate Anna ay isang babae na nagkamali pero natuto sya sa kanyang pagkakamali. Nabago nya ang kanyang sarili. Naghirap sya ng sobra. Naging kahiya - hiyang tao sya, pero naging kagalang – galang din sya. Nabangon nya ang kanyang sarili sa isang kahiya- hiyang tao patungo sa isang maipagmamalaking tao. Nahirapan din sya syempre. Pero pagkatapos nyang tapusin ang pagsubok parang biglang naglaho lahat ng pawis at sakripisyo na ginawa nya, parang tubig na biglang nag-evaporate sa harapan nyo. Parang biglaang maglalaho ung mga hirap na dinanas ninyo. Magugulat na lang kayo puro postibo na lang ang biglang papasok sa isip mo… bigla ka na lang mapapangiti dahil success ka.
Hello world!
Welcome to Friendster Blogs. This is your first post. Edit or delete it, then start blogging!